technical writer

Who signs my time sheets?

Napag-alaman ko ngayon lang, habang nagpapapirma ako ng time sheet, na may website pala ang taong pumipirma sa aking time sheets. Meron kasi malaking tarpaulin (yata) na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina; nandun ang kanyang mukha, may dalang bola at mukhang in sports attire, at ang address ng website. Naisip ko: "IT specialist nga".

First day of non-teaching work

First day of work ko ngayon so medyo nangangapa pa sa dilim. Naghihintay ng mga utos at instructions kung ano ang gagawin at paano. Nakakuha na ng supplies: ballpens (red and blue), notebooks, post-its, paper clips, at marker. May account na ako sa network at napalitan ko na ang password. May bago na akong email address for official use only. Lotus Notes 6.5 ang gamit na software/organizer dito. Bago ako dito sa software na to so nangangapa pa. At least medyo madali lang gamitin. In fact, ito ang ginagamit ko ngayon--Personal Journal feature nito.

Syndicate content