Philippines

2010 report on human rights by Amnesty International

Just got a copy of the Amnesty International 2010 report which contain relevant data for the year 2009 and found the following reports that concern the Philippines (aside from the report on the country itself which is shamefully very bad). I am sure there are more human rights violations experienced especially by Filipino migrant workers abroad that did not make it to the report:

(The report for the Philippines is shown below. A more complete report for the country can be obtained from Karapatan's 2009 year-end report whose cover is shown to the right.)

Japan
Under Refugees and asylum-seekers: In April, the government deported Filipino nationals Arlan and Sarah Calderon because of their irregular status, separating themfromtheir 13-year-old daughter, Noriko Calderon. TheMinistry of Justice gave Noriko Calderon, who was born in Japan and speaks only Japanese, a choice of returning to the Philippines with her parents or remaining in Japan alone.

Kuwait
Under Migrants' rights: In March, a Filipina domestic worker was reported to have been hospitalized after she was raped and repeatedly assaulted; the police rejected her employers’ allegation that she had attempted suicide.

Under Death penalty: At least three people were sentenced to death for murder; no executions were reported.

May Membriri Vecina, a Filipina domestic worker, returned to the Philippines in June following a pardon by the Amir. She had been sentenced to death in July 2007 after being convicted of murdering her employer’s youngest child. At her trial, she alleged that her employer had physically and mentally abused her, causing her to become mentally ill. Her sentence had been commuted to life imprisonment in June2008.


Correlations between clustered voting precincts

Makikita sa graph na ito kung gaano kapareho ang pagpili ng mga senador sa magkaibang lugar sa bansa. Base ito sa actual na bilang ng COMELEC. Labing-apat na clustered precincts lamang mula sa magkaibang rehiyon ang kinumpara.

Ang ibig sabihin ng hugis na pinapakita sa graph ay ganito: ang senador na malakas sa precinct x ay malakas din sa precinct y. Ang bawat linya (trendline) ay sinadyang pinadaan sa origin na ang ibig sabihin ay kung zero ka sa precinct x ay malamang zero ka din sa precinct y, at mukhang ganito naman talaga ang trend.

Heto ang paliwanag kung paano ginawa ang graph. I-plot ang porsyentong nakuha ng isang kandidato sa isang clustered na presinto versus sa porsyentong kanyang nakuha sa ibang clustered na presinto. Gawin ito sa lahat ng kandidato sa pagkasenador sa parehong dalawang presinto para makumpara ang pagboto sa dalawang presinto na ito. Kalkulahin ang slope ng best-fit line at coefficient of determination para sa plot na ito. Gawin ito sa iba pang pares ng clustered na presinto.

Heto naman ang mga clustered na presintong (CP) kinumpara sa plot sa taas. Manual random lang ang pagpili sa mga presintong ito mula sa iba't ibang rehiyon:
x = Matuguinao CP1
y = Panabo City CP105
a = Cagayan de Oro City CP115
b = Pasay City CP11
c = Laoag City CP13
d = San Carlos City CP11
e = Ilagan CP114
f = San Jose Del Monte City CP10
g = Bacoor CP107
h = Calapan CP22
i = Ipil CP1
j = Legazpi City CP99
k = Tangalan CP7
l = Siquijor CP29

BONUS
If you want to analyze the data, you can download all results into your computer using this crude program and do the analysis offline.

Tambalang Satur Ocampo at Liza Maza


Paninindigan ng Bayan hinggil sa “election failure”

Pahayag
Mayo 7, 2010

Paninindigan ng Bayan hinggil sa “election failure”

Hindi simpleng “human error” o “technical glitch” ang naganap na kapalpakan sa mga PCOS machines sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Malawakan ang problema at halos maunsyami na ang buong automated elections. Masasabing “fatal” ang error kung hindi nadiskubre. Kagyat na malawakan din ang epekto nito, kabilang na ang delay sa mga tests at ang pag-amin ng Comelec ng delay sa eleksyon sa ilang lugar.

Para malunasan ang pagpalya ng mga makina, kinailangang bawiin o palitan ang 76,000 Flash Cards ng PCOS machines na syang maglalaman ng datos ng eleksyon. Dahil kapos sa oras, mahihirapang isakatuparan ang testing at pag-aayos bago ang Mayo 10. Inamin na ng Comelec na maaaring maantala ang halalan sa 5% ng bansa. Sinasabi din ng Comelec na maaaring maantala ang pagbibilang sa maraming probinsya sa Mindanao, lalo na sa ARMM.

Delikado ang sitwasyong ito, lalo’t ang mga lugar tulad ng ARMM ay dati nang notoryus sa malawakang dayaan at failure of elections. Sa mga lugar na may delay, magkakaroon ng botohan pero hindi agad bibilangin ang mga boto. Ang mga balota ay isasantabi hangga’t dumating ang mga CF cards sa susunod na araw. Lubhang bulnerable ang sitwasyong ito sa dayaan o election failure.

Ang mga pinakahuling kaganapan ay patunay lang ng kawalan ng paghahanda ng Comelec-Smartmatic para magsagawa ng maayos at credible na automated elections. Ang sitwasyong ito ay kinukunsinti, kundi man tuwirang sinusuportahan ng rehimeng Arroyo na may hangad mapanatili ang sarili sa pwesto. Maiiwasan dapat ang mga problemang ito kung nagsagawa lamang ng masusing pagsubok sa mga makina at balota, at kung may nailatag na maayos na contingency plans ang Comelec at Smartmatic.

Malaki na ang kabawasan sa kredibilidad ng eleksyon kahit pa ipakita ng Comelec-Smartmatic na inaayos nito ang mga problemang teknikal. Dapat managot ng Comelec, Smartmatic at rehimeng Arroyo sa mga kapalpakang ito.

Kahit pa matuloy ang halalan sa May 10, dahil na rin sa pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon para ipagpaliban ng halalan, hindi na maiaalis ang bahid ng pagdududa sa naging proseso and kondukta ng eleksyon. Malaki pa rin ang pananagutan ng Smartmatic at Comelec kahit pa maidaos ang eleksyon sa Mayo 10.

Kung matuloy at mauwi sa malawakang pagpalya at dayaan ang eleksyon sa Mayo 10, Comelec-Smartmatic at GMA pa rin ang dapat managot. Ang ganitong kalagayan ay pakikinabangan ni Arroyo sa kanyang layong manatili sa poder. Dapat magkaisa ang iba’t ibang pwersang pulitikal para pigilin si Arroyo na samantalahin ang sitwasyong ito para sa kanyang maitim na balakin.

Itatakda ng galaw ng mga reaksyunaryong institusyon, kilusang masa at mga pwersang pulitikal ang magiging senaryo sakaling magkaroon ng failure of elections. Dapat ding bantayan ang magiging galaw ng imperyalismong US. Ang mahalaga ay nakahanda ang mga progresibong pwersa na pamunuan ang protesta laban sa naganap na kapalpakan halalan at biguin ang mga tangka ng rehimen na manatili sa poder.

Dapat maging mapagbantay sa malawakang deployment ng militar sa mga lugar na tinatawag na “hot spots” dahil maaaring gamitin din ang pwersang militar, tulad ng sa Metro Manila, para supilin ang mga malawakang protesta matapos ang election failure.

Ang pinakahuling kaganapan ay nagpapakita ng pundamental na depekto sa halalan sa Pilipinas. Hindi nawakasan ng poll automation ang mga pinakabulok na katangian ng halalan sa bansa. Binigyan lang nito ng bagong bihis ang dati nang mga problema hinggil sa pandaraya, pagmamaniobra at pamamayani ng pera at karahasan. ###

Syndicate content