minority report

Top 10 prophetic science fiction

Sa wakas nakapagblog ulit ako. Medyo nabusy ako nitong huling dalawang linggo kasi tinatapos ko ang poster presentation ko para sa Chronobiology Summer School sa Krakow, Poland ngayong first week ng July. Salamat at natapos din; hinihintay ko na lang ang printing.

Anyway, nakasubscribe ako sa TechRepublic na newsletter but usually dinidelete ko lang ang mga messages nila. Ngayon ay medyo catchy ang subject ng email Social networking blunders: Should you tweet that you've been laid off?. So tiningnan ko ang email at mas ang nagkainteres sa akin ay itong Geekend article nila na What are the most prophetic science fiction movies?. At sa Top 10 na nilista ng author ay tatlo lang ang napanood ko (1, 2, at 10). The rest ay hindi pa. So heto at dinodownload ko na ang pitong movies (actually walo kasi dalawang part pala ang Short Circuit). Ang pinakaluma ay ang 1950 movie na Destination Moon, although di ako sure kung itong dinodownload ko ay ang tamang movie. Here's the list; you can look at the Internet Movie Database (IMDB) for more information on each movie.

10. 2001: A Space Odyssey
9. Short Circuit
8. Soylent Green
7. Blade Runner
6. The Running Man
5. Destination Moon
4. The Truman Show
3. The Road Warrior
2. Minority Report
1. Gattaca

May mga similar na palabas akong napanood na wala sa listahan tulad ng Simone, Paycheck, A Sound of Thunder, I, Robot, Wall-E, Stepford Wives at marami pang iba.

Syndicate content