Mahirap ikwento ang napakaraming pangyayari sa buhay ko dito sa Netherlands, ngunit sa maikling sabi, masasabi kong mas masarap ang buhay ko dito bilang siyentista sa Netherlands kaysa sa Pinas. Hindi ito nakakapagtaka at hindi rin naman ako nagulat sa natuklasan kong ito.
Sa wakas nairaos din. Anim lahat ang bisita: dalawang Pinoy, isang Austrian, isang Belizean, at dalawang Dutch. Plus syempre ang dalawang Aruban housemate. Hindi nakarating ang Malaysian kasi may field work. Whew!