Katatapos lang sukatin ng dalawang bata ang ihip ng hangin. Nagpapahinga sila sa isang burol. Dumaan ang isang tren, maingay at matindi ang usok habang tumatakbo, samantalang ang hangin na dinadaanan nito ay tuloy-tuloy lang at walang kupas sa pag-ihip.
"Gaano kabilis ang hangin ayon sa ating instrumento?" tanong ng batang lalaki.
"20 kilometers per hour."
"Sapat na yan para malaman ko kung gaano kabilis ang tren."
"Paano?" Nagdududa ang batang babae.
"Ang gawin mo lang ay tingnan ng maigi ang galaw ng tren."
Nag-isip ang babae at nahulaan din nya ito.
Ang nakita nila ay siya ding makikita mo sa larawan. Gaano kabilis ang tren?

Bookmark/Search this post with: